Asignaturang Filipino Crisis

darwin_mambabalak's picture

Sa kabila ng mga haka-haka ng madla,
Kapansin-pasin mga estorya nakakabahala!
Sa dami ng mga problema na dapat solusyunan.
Naisipan palitan ang wika na ating pinagmulan.

Kamakailan lang ang huling linya ng Lupang Hinirang!
Ngayon Wikang Filipino naman ang naisipan palitan.
Bakit at ano ba ang kanilang iniisip?
Mga bagay na mahalaga gustong ipagpalit.

Mga bagay na parte ng kasaysayan
Dahil sa mga bayani kanilang ipaglaban
Mga bagay na dapat atin tangkilikin
Ipagmalaki at ating pagyamanin.

Paano mo maipagdiriwang ang Buwan ng Wika sa Agosto?
Kung ang Wikang pinag-aralan mo ay Koreano?
Huwag po natin hayaan mabura
Ang Wika natin sa asignatura
Mahalin natin ang wikang Filipino
Hindi kung ano-ano ang ituturo.

Panitikan na gusto natin mabasa.
Mga likha ng ninuno na ubod ng ganda.
Sana mahalin ng bagong henerasyon
Mga makatang isinulat sa unang panahon.

Konstitusyon ang nagbubuklod sa ating bansa.
Dito tayo nagkaka-isa.
Saligang batas na dapat natin matutunan
Dapat ilagay sa puso't isipan

Sabi ni Gat. Jose Rizal bago sya namaalam,
"Kabataan ang pag-asa ng ating bayan"
Ating hubugin ang kanilang isipan.
Namahalin at ipagmalaki ang sariling bayan.
Ituro sa kanila kung ano ang nararapat at dapat.
Nang sa gayon sila'y maging totoo at tapat.