Ginagamit ba madalas ang apostrophe sa contracted Cebuano words?

Magandang araw po! Pasensiya na po kung ako'y nagta-Tagalog dito. Ako po ay baguhan pa lamang sa wikang Cebuano dahil pinanganak ako sa Quezon City, pero ang aking mama at papa ay taga-Cebu at Davao talaga. Sa ngayon, ako ay nakakaintindi na po nang konti sa wikang ito. Gusto ko lang sanang matanong kung ginagamit ba madalas ang apostrophe sa iilang contracted Cebuano words at kung meron po bang pormal at/o opisyal rule na sinusundan? Kagaya na lang ng contracted Tagalog words na:

  • Hindi - 'Di
  • Sa iyo - Sa 'yo
  • Kapag 'Pag
  • Bakit - Ba't

Napapansin ko po kasi na parang hindi ata masyadong ginagamit ang apostrophe kapag pinapaiksi ang mga salita sa wikang Cebuano. Kagaya ng:

  • Dili - Di
  • Kami - Mi
  • Mura og - Murag
  • Wala - Wa
  • Karon - Ron

Hindi po ba pormal na lagyan sila ng apostrophe? Ano-ano po ang mga rules patungkol dito?

Additional question, wasto din po ba na dikit-dikit ang mga pinaiksing salita na aysig, maypa, aylang, kayka, maylang, o dapat po ba silang hiwalayin (i.e. ay sig, may pa, ay lang, kay ka, may lang)? Katulad lang po ba sila ng case sa Tagalog words na kundi (kung hindi), anyare (ano'ng nangyari), ayoko (ayaw ko) atbp?

Salamat po sa mga sasagot! Maganda araw po ulit!

Comment viewing options

Select your preferred way to display the comments and click "Save settings" to activate your changes.
Hi by LunsayngPeabo